Juan for All, All for Juan

Mainit na naman ang mga militanteng grupo at mga aktibistang radikal na kung hindi makakaliwa ay kampi sa kanan. Kaliwa’t kanan din ang mga protestang suntok sa buwan na hindi na nga nakatulong nakaperwisyo pa. Hindi naman ako galit sa mga grupong ito bagkus ako ay naaawa sa mga taong nakikilahok sa mga kilos protesta na wala namang napupuntahan.

Ako man sa sarili kong paraan ay aktibista rin. Galit din ako sa walang habas na pangloloko ng mga pulitikong walang ibang ginawa kundi ang magpapogi at pumorma sa SONA. Ako man ay sawa na rin sa paulit-ulit na panlilinlang ng pamahalaan sa taong bayan. Ako man ay katulad ninyong nangangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan ngunit hindi ako sang-ayon sa maingay na pamamamaraan.

Kaunting pagbabalik tanaw mula sa ating kasaysayan, limang daan taon na ang nakararaan nang dumaong si Magellan sa ating mga dalampasigan. Hatid niya ay pagkakaibigan, kaunluran, at magandang kinabukasan; at si Magellan ang naging ninuno ng mga pulitiko. Tulad din natin ngayon madaling napaniwala sa mabulaklak na salita ang mga ninuno natin. Buti na lamang at nandun si Lapu-Lapu, hindi siya nagpa-uto sa mga pangako ng mestizong dayuhan. Kaya duon sa bayan niyang Mactan, sila ay naglaban. Nang tamaan ng palaso si Magellan, nagsiatrasan ang mga kalaban. Akala ng ating mga ninuno ay tapos na yun pala at papasimula pa lamang. Mas madami at mas malakas ang rumesbak na dayuhan pero hindi na nila kinailangan pang gumamit ng dahas dahil masyadong mabait at uto-uto sa mandurugas ang ating mga kababayan. Ang mga nagpakilalang mga kaibigan mahilig pa lang manlamang. Sa lupain natin sila’y nagpayaman, mga ninuno natin ay ginawa nilang utusan.

Hindi rin naman naging madali ang pananakop ng mga dayuhan sa ating mahal na bansa. Makalipas ang ilang mga taon ng pang-aalipusta may mangilan-ngilang Pilipinong makabayan ang lumaban para alisin ang tanikalang dala ng mga conquistador. Dagohoy, Silang, Novales, Pule, Palaris at marami pang maliliit na pag-aalsa ang nangyari upang subukang makalaya mula sa pang-aabuso ng mga dayuhan ngunit ang lahat ng mga ito ay nabigo. Isa sa mga dahilan ng pagkabigo ng mga pag-aalsang ito ay ang di pagkakaisa ng mga Pilipino. Maraming mga Pilipino ang kumampi sa mga Espanyol at siniwalang bahala ang mga makabayang naghahangad ng kalayaan.

Ngunit tulad ng ibang kaharian sa mundo, dumating din ang katapusan nang pang-aabuso ng mga dayuhan sa ating bayan. Nang buksan ang ating mga daungan sa pandaigdigang kalakalan noong 1834, dumating sa ating bansa ang mga bagong kaalaman at pilosopiyang liberal. Ipinanganak din sa ating lipunan ang mga ilustrado na malaki ang ginampanang papel sa pagkamit ng kalayaan ng bansa. Sa puntong ito nagsimulang mabuo ang pagkakaisang matagal nang kinakailangan upang makamit ang pinaka-aasam na kalayaan.

Sa mga panulat nina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena at marami pang ibang repormista, nagsimulang mamulat ang mga mata ng buong bayang pagod na sa pang-aalipin ng mga banyagang mananakop. Ngunit hindi naging sapat ang mga pambabatikos at pagpuna nila sa mga kamalian ng banyagang pamahalaan. Malaking dahilan na rito ay ang hindi parin pagkakaisa ng buong nasyon sa iisang adhikain. Hanggang noong 1892 sa isang bahay sa Kalye Azcaraga sa Maynila nagpulong sina Andres Bonifacio, Deodato Arellano, Ladislao Diwa, Teodoro Plata, at Valentin Diaz upang buuin ang isang sikretong organisasyon upang lumaban para sa kalayaan. Sa pamamagitan ng Katipunan unti-unting napag-isa ang damdamin ng bawat Pilipino na lumaban para sa Inang Bayan. Lumawak ang organisasyon sa buong bansa at dumami ang naghangad na magkamit ng kalayaan. Sa wakas nabuo din ang nasyon at nagkaisa sa iisang adhikain. And the rest was history.

Kung meron man tayong aral na dapat nating matutunan mula sa ating kasaysayan yuon ay ang “walang magagawa kung walang pagkakaisa”. Ilang beses narin nating napatunayan ang magagawa ng pagkakaisa. Napaalis natin ang diktador nang magkaisa tayong mga Pilipino. Hindi lamang isang beses nangyari ito kundi naulit pang muli noong 2001. Ilang ulit din nating sinubukang ulitin ang People Power noong panahon ng panunungkulan ni Pangulang Gloria Macapagal Arroyo ngunit ilang ulit din tayong nabigo dahil sa kawalan ng pagkakakaisa. At ngayon magtatatlumpung taon na mula noong unang People Power dumadami na naman ang daing nating mga Pilipino sa ating pamahalaan. Dumarami na naman ang kilos protesta sa mga lansangan. Mataas na pasahod, mababang matrikula, hustisya mula sa kurapsyon ng mga politiko at iba’t ibang daing pa ang pinaglalaban ng iba’t ibang militanteng grupo. Ngunit kahit gaano pa kalakas ang kanilang mga sigaw, kahit gaano pa kalaki ang mga ephigy na sunugin nila sa kalye, at kahit gaano pa nila gustuhing suntukin sa nguso ang mga pulitiko walang paring nangyayari. Muli, WALANG NANGYAYARI dahil WALANG PAGKAKAISA.

Sinabi noon ni John Locke at ng iba pang mga Social Contract theorist, ang tao daw ang gumagawa at pumipili ng pamahalaan. Ang tao ang nagbibigay ng kapangyarihan sa mga pinuno nito at ang tao rin ang may kapangyarihan upang tanggalin ang mga kapangyarihang ipinagkaloob niya sa mga pinuno. Ngunit kung iisa, dadalawa o kahit isang libo lang out of 100 milyon ang magsisigaw sa kalye at mag twerk it like miley sa gitna ng EDSA wala paring mangyayari dahil walang pagkakaisa. Kailangan nating magkaisa kung totoong gusto natin ng pagbabago. Ika nga “It takes two to tanggo” pero hindi lamang dalawa kundi lahat ang kinakailangan upang gumawa ng pagbabago.

Ang mga munting pagpoprotesta natin ngayon ay katulad ng maliliit na pag-aalsa ng ating mga ninuno noon. Kailangan gustuhin ng lahat ang pagbabago upang magkaroon ng pagbabago. Katulad na lamang noong bumuto sa isang referendum ang mamamayan ng Ireland upang gawing legal ang same-sex marriage sa kanilang bansa. Dahil sila ay nagkaisa, nakamit nila ang hinahangad nila. Tayo rin, magagawa rin nating makamit ang mga pinapangarap natin kung tayo ay magkakaisa at kikilos hindi bilang hiwa-hiwalay na grupo kundi bilang isang nasyong naghahangad ng reporma’t pagbabago.

 

Post Script. Silent Activism

“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country”

-John F. Kennedy

Hindi lamang maingay na demonstrasyon at pagpoprotesta sa lansangan ang paraan upang makamit natin ang kaunlarang matagal na nating inaasam-asam. Sabi nga noon ng isang mabuting kaibigan “ang aktibismo ay hindi nangangahulugang puro lamang rally o pagiging radikal…ang aktibismo ay nangangahulugang aktibong partisipasyon. Aktibong partisipasyon sa lipunan sa kahit na anong paraan, hindi mahalaga kung gaano kalaki o gaano kaliit.” Simulan ang pagbabago sa ating mga sarili. Ika nga noon ni John F. Kennedy, “ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country”. Huwag natin punahin kung gaano kapalpak ang sistema, isipin natin kung paano natin maaayos ang sistema. Mag-isip tayo ng mas produktibong paraan upang makapag-ambag ng kabutihan sa ating mahal na bayan. Hindi naman aandar ang mga tren natin kung palagi natin itong mumurahin at ang mga tagapamahala nito. Mag-isip tayo kung paano natin mas mapapaganda ang transportasyon.

“Be the change that you want to see in the world”
-Mahatma Gandhi

Advertisements

It Takes Courage to Be a Gay

Yesterday, the Irish people made history as they voted in a referendum legalizing same-sex marriage in their country. The LGBT community not only in Ireland but in the whole world celebrated for this milestone. I may not be a transgender person  but I am very happy for my most courageous fellow people.

When I was still a young boy, I was taught that being a gay is synonymous with cowardice. Whenever there’s someone who challenges you to a fist fight and you refused, they will tease you that you’re a gay. However as I grew older, I realized that being transgender takes a lot of bravery. I learned that being a transgender person is far more courageous than having a fist fight.

Today, it seems that transgender people are more socially accepted than it was before. Our society became more open to gays and lesbians. There were so many gay beauty pageants all around the country. Gay beauty contests became part of the norm, it has become the highlight of every fiestas here in the Philippines.

However there are still some cases of discrimination on transgender people. There are still some people who cannot accept our transgender fellows. There is this fateful incident last year wherein a Filipina transgender woman was allegedly killed by a U.S. Marine. This event brought serious concerns from the LGBT community denouncing such hate crimes. But the sadder fact here is that instead of sympathizing with this transgender woman, the social media was filled by “moralists” comments against her gender identity. This the reason why there are still many transgenders who are hiding their true gender identity. Fortunately, there are people like Bruce Jenner that act as an inspiration for these people. They give strength to these people to face the world and to be proud about who the are.

This made me realize that it is really difficult to become a transgender person. In a world that is full of hypocritical “moralists” using God’s Words to condemn gays and lesbians, it takes a lot of courage to reveal your true self. It takes guts to say “I’m Gay!”. I salute Bruce Jenner and other transgender people who has the courage to accept what they really are. I salute the whole LGBT community who has the bravery to be proud to show this “stereotypical” society how valuable they are. I now believe that being gay is not cowardice but a chivalrous act of bravery.